HomeUniversitasvol. 10 no. 2 (2022)

Dokumentasyon ukol sa Malikhaing Proseso sa Disenyong pang Entablado ng Produksong “May Pag-asa”

Agnes M. Medina

 

Abstract:

Ang sulating ito ay isang dokumentasyon ukol sa malikahaing pamamaraan at proseso sa paglikha ng disenyong pang-entablado at kasuotang damit ng produkyong May Pag- Asa na nilikha ng AGHAM Theatre Company. Ang naturang dulaang musikal ay unang itinanghal sa Punong Tanghalan ng Unibersidad ng Makati noong Agosto taong 2012 at muling itinahanghal noong Agosto at Nobyembre taong 2016. Kabilang sa sulatin ang mga ilang hakbang sa pananaliksik ng malikhaing pamamaraan, ang pag-sasagawa at mga paraan mula sa kinonseptong disenyo hanggang sa mabuo ang disenyo ng entablado, disenyo sa damit kasuotan ng naturang dula at ilang larawan. Sa dokumentasyong ito, ang mananaliksik ay gumamit ng metodolohiyang penomelohikal, deskriptibo, eksperimental na naglalayong palawakin ang mga nakasaad na sulatin ng may – akda. Kabilang sa pamamaraan ang paggamit ng obserbasyon ng kalahok na ang layunin ay magkaroon ng malalim na pang-unawa ang kalahok sa paglalahad ng kanyang obserbasyon. Sa pamamagitan ng pag gamit ng pamamaraang pemenolohikal gamit ang masinsing paglalahad at obserbasyon ng mga kalahok, naisalaysay ang makatotohanang pangyayari, karanasan at phenomenon na malay sa malikhaing pamamaraan sa pag gawa ng Produksyong Pangdisenyo gamit ang pandama, nararamdaman at obserbasyon gayon din ang wika, maayos na detalye, pananaw ng paglalarawan at kabuuan o impresyon.