HomeSocial Sciences and Development Review Journalvol. 14 no. 1 (2022)

Childhood Quarantine: Pagsusuri sa Akdang Ang Misteryo sa Patong-Patong na Damit ni Hulyan Bilang Radikal na Kuwentong Pambata sa Panahon ng Pandemya sa Pilipinas

Teodoro Alyssa

Discipline: Childhood and Youth Studies

 

Abstract:

Naging daluyan ang panitikan, sa anumang anyo at uri nito bilang isang salamin ng lipunan sa isang partikular na panahon. Isa na rito ang panitikang pambata na akdang pampanitikan na ang mambabasa ay bata o mga bata. Naging instrumento rin ang panitikang pambata upang ipakita sa bata maging sa matatanda ang tunay na sitwasyon ng mundong kanilang ginagalawan. Ang radikal na kuwentong pambata ay kilala bilang progresibong panitikang pambata na hinihikayat ang mambabasa na makilahok sa pagbabagong panlipunan. Nais ipakita ng papel na ito ang isang radikal na kuwentong pambata sa panahon ng pandemya at ang isang mabigat na krimen na nangyayari sa ilang tahanan sa Pilipinas. Sa pagsusuri gamit ang textual analysis sa akdang Ang Misteryo sa Patong-patong na Damit ni Hulyan na isang radikal na kuwentong pambata sa panahon ng pandemya, nais ipakita ng papel ang umiigting na Online Sexual Exploitation of Children sa Pilipinas at ang mabigat na karanasan ng mga batang nagiging biktima nito. Tatalakayin din ang ilang obhektibong sitwasyon ng mga batang Pilipino sa panahon ng pandemya bilang lunsaran ng kamalayan sa pagkatha ng mga radikal na kuwentong pambata sa hinaharap.