HomeEducation Reviewvol. 12 no. 1 (2023)

Modelong 4K: Isang Makabayang Edukasyong Panteknolohiyang Modelo

Henry Leen A Magahis

Discipline: Education

 

Abstract:

Naging maingay ang integrasyon ng teknolohiya sa edukasyon sa nakalipas na mga taong panuruan. Ang halos lahat ng mga paaralan ay nagtatangkang gumamit ng mga kagamitang teknolohikal upang makasabay sa nabanggit na pagbabago. Ngunit kung susuriing mabuti, ang lahat ay gumagamit ng mga panukatang global sa implementasyon. Ginagamit ng mga paaralan ang mga modelong dayuhan sa paniniwalang ito ay makatutulong upang maiangat sa pandaigdigang panukatan ang kanilang mga programa sa paaralan. Ang mismong hamong ito ang ginamit ng mananaliksik upang makabuo ng lokal na modelo. Gamit ang apat na yugto ng pagsasakatutubo ni Enriquez (1976) na (1) Pagkilala sa Limitasyon ng Kanluraning Modelo; (2) Pag-aangkop ng Mga Panukat at Metodo; (3) Pagsaliksik sa Mga Paksang Makabuluhan; at (4) Pagsusuri ng Kilos at Kaisipang Makabuluhan sa Kultura, minarapat ng mananaliksik na lumikha ng modelong lokal na maaaring gamitin ng mga paaralan sa kanilang implementasyon.