HomeMabini Review Journalvol. 12 no. 1 (2023)

Suri-Politikal: Mga Ideolohiyang Politikal ng Kaliwang Panel ng Obrang Filipino Struggles Through History ni Botong

Cristy Allen Serote

Discipline: Politics

 

Abstract:

Wala mang eksaktong retratong nakuha sa bawat tagpo ng kasaysayan, matagumpay naman itong naipakita ng isang sining tulad na lamang ng sikat na muralyang “Filipino Struggles Through History.” Ang pintang Filipino Struggles Through History ng bantog na pintor na si Carlos “Botong” Francisco ay binubuo ng apat na panel kung saan ang bawat panel ay naglalaman ng mga tagpo sa kasaysayan mula sa iba’t ibang panahon. Mula sa apat na panel, sinuri ng mananaliksik ang kaliwang panel na pumaksa sa danas at lagay ng bansa mula sa panahon ng pre-kolonyal hanggang sa gitnang bahagi ng ika-19 na siglong pananakop ng mga Espanyol. Ginamit ng mananaliksik ang semyolohiya ni Barthes at ideolohikong ispektrum ni Hans Slomp na iminodipika at mas pinalalim ni F.P.A. Demeterio sa pagsuri ng ideolohiyang politikal ng kaliwang panel. Natukoy sa naging pagsusuri ang iba’t ibang signos at simbolo na sumalamin sa realidad ng lipunan sa bawat panahon. Lumabas din sa pag-aaral na ang dominanteng ideolohiya ng mga seksyon sa kaliwang panel ay moderado. Kung ang nais ni Botong ay ilapit ang kanyang sining partikular ang kasaysayan sa mga ordinaryong Pilipino, mahalagang makita ang mga ideolohiyang politikal sapagkat ito’y daan sa malalim na pag-unawa sa kasaysayan at gabay sa mataas na pagpapahalaga sa identidad bilang isang Pilipino.