HomeSARIRIT: The University Research Journal (formerly QSU Research Journal)vol. 14 no. 1 (Special Issue) (2025)

Mga Kasanayan sa Pagsulat ng Sanaysay: Pagbuo ng Interbensyon na Angkop sa Pagtuturo

Levita C. Donato

Discipline: Education

 

Abstract:

Ang wikang Filipino ay mahalagang kasangkapan sa komunikasyon lalo na sa akademikong larangan. Gayunman, sa kabila ng patuloy na paggamit nito sa paaralan, napapansin pa rin ang kahinaan ng mga mag-aaral sa pormal na pagsulat. Ito ang nagbunsod sa mananaliksik na bigyang-pansin ang pagsulat ng sanaysay ng mga mag-aaral na nasa sekondarya. Ang pag-aaral na ito ay isinagawa upang matukoy ang mga karaniwang kamalian ng mga magaaral sa paggamit ng wikang Filipino sa pormal na pagsulat batay sa apat na kategorya ni Corder: pagkakaltas, pagdaragdag, pagpili ng salita, at pagkakaayos ng mga salita. Ang disenyo ng pananaliksik na ito ay kuwalitatibo na kung saan ginamit ang error analysis upang masuri ang bawat kamalian sa sulatin ng mga magaaral. Sa kategorya ng pagkakaltas, nakita sa pagsusuri na nagkukulang ng isa o dalawang letra ang mga salita, kulang din ng pananda ang ilang pangungusap at nakitaan din ng pagkakaltas sa mga bantas tulad ng gitling, kuwit, at kudlit. Sa pagdaragdag naman, lumabas ang paggamit ng labis na salita at espasyo at mga bantas tulad ng gitling at tutuldok. Sa pagpili ng salita, nakitaan ng maling paggamit ng salita sa konteksto at paggamit ng di-pormal o kolokyal na anyo ng mga salita. Sa pagkakaayos ng mga salita, nakita ng suliranin sa estruktura ng pangungusap gaya ng redundansiya at mali o kulang na ugnayan ng paksa at panaguri. Kaugnay nito, ang mga guro ay dapat magsagawa ng masusing pagtuturo sa gramatika ng wikang Filipino at magkaroon ng interbensyon sa pagtuturo upang mapaunlad ang pagsulat ng mga magaaral.



References:

  1. Aniceto, F.M., Behhay, N.N., Immangdul, H.N., Longgat, C.G., & Ongan, M.G.O. (2024). Kakayahang  panggramatika sa Filipino ng mga mag-aaral sa pagsulat ng sanaysay: Tungo sa pagbuo ng sanayang aklat. International Journal of Advanced Multidisciplinary Studies, 14(10), 98-107.
  2. Aragon, J.L., & Balallo, C.L. (2023). Antas sa kahusayan at hamon sa pagsulat   ng sanaysay sa wikang Filipino. American Research Journal of Humanities Social Sciences, 6(10), 57-61.
  3. Bante, S.E., Alodado, K.P., & Anudin, S.N. (2024). Pagsusuri sa kamalian sa sanaysay ng mga mag-aaral sa antas sekundarya. EPRA International Journal of Multidisciplinary Research (IJMR), 1(7), 1-5. z//doi.org/10.36713/epra2013
  4. Corder, S. P. (1974). Error analysis. Newbury House.
  5. Siano, K.N. (2024). Pagsusuri sa kamalian sa paggamit ng ingklitik sa tekstong naratibo ng mga mag-aaral. EPRA International Journal of Research and Development (IJRD), 9(9), 37-49. https://doi.org/10.3671/epra2016