Mga Hamon sa Pagsasalingwika: Tungo sa Pagpapabuti ng Tiwala, Motibasyon at Kasanayan ng mga Mag-aaral na Magsalin
Raymond S. Villafane
Discipline: Education
Abstract:
Nilayon ng pananaliksik na ito na tukuyin ang mga hamon sa pagsasalin na kinakaharap ng mga estudyante ng BSED 1A–1F, partikular sa pag-unawa ng kultural na konteksto at teknikal na termino. Layunin din nitong suriin kung paano nakatulong ang Teoryang Komunikatibo ni Peter Newmark sa pagpapabuti ng kanilang tiwala sa sarili, motibasyon, at kasanayan sa pagsasalin. Gumamit ang pag-aaral ng deskriptibong disenyo na may kombinasyon ng kwantitatibo at kwalitatibong pamamaraan. Isinagawa ang survey sa 255 mag-aaral mula sa BSED 1A–1F gamit ang questionnaire. Ang mga kwantitatibong datos ay sinuri gamit ang descriptive statistics (mean at standard deviation) at correlation analysis upang matukoy ang ugnayan sa pagitan ng mga baryabol. Samantala, ang mga kwalitatibong datos ay sumailalim sa thematic analysis upang matukoy ang mga umuusbong na tema at pananaw ng mga kalahok. Ipinakita ng resulta na ang mga pangunahing hamon sa pagsasalin ay may kaugnayan sa pag-unawa ng kultural na konteksto (mean score: 3.8) at teknikal na terminolohiya (mean score: 4.1). Natuklasan din ang malakas na positibong ugnayan sa pagitan ng tiwala sa sarili at kasanayan sa pagsasalin (r = 0.72). Bukod dito, lumitaw na ang paggamit ng Teoryang Komunikatibo ni Peter Newmark ay may mataas na mean score na 4.6, na nagpapahiwatig ng malaking ambag nito sa pagpapabuti ng kasanayan sa pagsasalin ng mga mag-aaral. Ipinakita ng pag-aaral na ang epektibong pagsasalin ay nakasalalay hindi lamang sa teknikal na kaalaman kundi pati na rin sa antas ng tiwala sa sarili at motibasyon ng mga mag-aaral. Inirerekomenda ang integrasyon ng mga estratehiya mula sa Teoryang Komunikatibo sa mga kurso sa pagsasalin upang higit pang mapaunlad ang kasanayan at pagpapahalaga ng mga mag-aaral sa pagsasalin bilang isang mahalagang kasanayan sa larangan ng edukasyon. Karagdagan, ang pagsasagawa ng mga longhitudinal na pag-aaral upang masubaybayan ang pag-unlad ng tiwala sa sarili ng mga estudyante sa pagsasalin sa paglipas ng panahon, lalo na sa konteksto ng paggamit ng Teoryang Komunikatibo.
References:
- Ancheta, J. R. (2019). Tawid-kultural na pagsasalin ng nobelang one hundred years of solitude ni gabriel garcia marquez: mga estratehiya at suliranin. Dalumat Journal, 5(1), 47–67.
- Arono, A., & Nadrah, N. (2019). Students’ difficulties in translating English text. JOALL (Journal of Applied Linguistics and Literature), 4(1), 88-99. https://doi.org/10.33369/joall.v4i1.7384
- Braun, V. & Clarke, V. (2006). Using thematic analysis in psychology. Qualitative Research In Psychology. 3(2):77-101. DOI: 10.1191/1478088706qp063oa
- Bulacan State University. (n.d.). Goal ii: innovative and responsive research and public engagement. https://bulsu.edu.ph/about/goal-two
- Byrne, J. (2006). Technical writing: A reader-centered approach. Allyn & Bacon.
- Cai, Y. (2019). A brief analysis of peter newmark’s communicative translation theory. In 2nd International Conference on Arts, Linguistics, Literature and Humanities (ICALLH 2019) (pp. 164–167). https://webofproceedings.org/proceedings_series/ART2L/ICALLH%202019/ICALLH19037.pdf
- Creswell, J. W. (2014). Research design: Qualitative, quantitative, and mixed methods approaches (4th ed.). SAGE Publications.
- Department of Science and Technology. (2017). Harmonized national research and development agenda (HNRDA) 2017–2022. https://www.dost.gov.ph/phocadownload/Downloads/Journals/HNRDA_booklet_FINAL3_2018-10-23.pdf
- Estillore-Gabunada, M. V. (2019). The politics of translation in the creation, production, and canon formation of translated Cebuano literature from the postwar period to the present. Kritika Kultura, 33(12), 247–274. DOI: 10.13185/KK2020.03312
- Fajilan, R. (2022). Higit pa sa raket!: pagtatasa sa mga pangangailangan ng mga tagasalin. Malay: Journal of Language and Culture, 34(1).
- Fengling, L. (2017). A comparative study of Nida and Newmark’s translation theories. International Journal of Liberal Arts and Social Science, 5(8), 31-39.
- Fowler, F. J. (2014). The problem with survey research. Contemporary Sociology, 43(5), 660-662. https://doi.org/10.1177/0094306114545742f
- Haro-Soler, M. del M. (2018). Self-confidence and its role in translator training: The students’ perspective. In I. Lacruz & R. Jääskeläinen (Eds.), Innovation and Expansion in Translation Process Research (pp. 131–160). John Benjamins.
- Javier, J. R. (2018, May 17). Pagsasalin sa filipino: mga hamon at tunguhin. salinaysay: serye ng mga pagsasanay sa pagsasalin, Polytechnic University of the Philippines, Manila. https://pages.upd.edu.ph/jrjavier/presentations/pagsasalin-sa-filipino-mga-hamon-tunguhin
- Liwanag, L. A., Estillore-Gabunada, M. V., & Anastacio, D. S. (2023). Isang paglalapat at pagninlay sa functional theory of language ni newmark sa pagsasalin ng akdang “poor man’s love.”. https://www.researchgate.net/publication/374923649_Isang_Paglalapat_at_Pagninilay_sa_Functional_Theory_of_Language_ni_Newmark_sa_Pagsasalin_ng_Akdang_Poor_Man's_Love
- Langga, P. M., & Alico, J. C. (2020). Students’ proficiency and challenges in Filipino-to-English translation: The case of Filipino senior high school students in a private institution. Semantic Scholar. https://www.semanticscholar.org/paper/Students%E2%80%99-Proficiency-and-Challenges-in-The-Case-of-Langga-Alico/3e589d01a35e692462aed04a41d75f8bd4ebf465
- Lumbera, B. (2012, Setyembre 8). Hamon ng pagsasalin, binigyang-diin. The Varsitarian. https://varsitarian.net/filipino/20120908/hamon_ng_pagsasalin_binigyang_diin
- Miclat, M. (1995). Ang hamon ng pagsasalin ng mga teknikal na sulatin. Sentro ng Filipino, University of the Philippines.
- National Economic and Development Authority. (2023). Philippine development plan 2023–2028. https://pdp.neda.gov.ph/philippine-development-plan-2023-2028/
- Newmark, P. (1988). A Textbook of Translation. International Ltd.
- United Nations. (2023). The Sustainable Development Goals Report 2023. https://sdgs.un.org/sites/default/files/2023-07/The-Sustainable-Development-Goals-Report-2023_0.pdf
- Villafane, R. S. (2025). Pa-mine na lang po!: komunikasyon sa live selling bilang lunsaran ng pagpapahusay ng mga estratehiyang pangnegosyo. International Journal of Multidisciplinary Educational Research and Innovation, 3 (1):158-172. https://doi.org/10.17613/h8a6s-4m638
- Weinstein, E., & Moreno, P. (2013). Even Google says it’s tough to translate Filipino. GMA News. https://www.gmanetwork.com/news/scitech/technology/319325/even-google-says-it-s-tough-to-translate-filipino/story/
ISSN 2980-4760 (Online)
ISSN 2980-4752 (Print)