Pagsasalin ng Panitikan sa Ingles at Filipino: Mga Kasanayan at Hamon ng mga Kolehiyo at Gradwado
Himeji-Ken V Dela Peña | Grace B. Luna | Ivy P. Garcia
Discipline: Education
Abstract:
Layunin ng pag-aaral na ito na suriin ang kasanayan at hamon sa pagsasalin ng mga
pampanitikang akda mula Ingles tungo sa Filipino sa mga mag-aaral sa antas kolehiyo
at gradwado. Ginamit ang deskriptibong disenyo ng pananaliksik at purposive
sampling sa pagpili ng tatlumpung (30) respondente mula sa Cebu Technological
University na kumukuha ng BS Filipino, AB English, AB Filipino, MA Filipino, at MA
English. Sa pamamagitan ng talatanungan, natukoy ang kanilang demograpikong
katangian, antas ng kasanayan, mga hamon, kagamitang ginagamit, at estratehiyang
inilalapat sa pagsasalin. Lumabas sa resulta na karamihan sa mga respondente ay
nasa edad 18–22 at may pantay na distribusyon ng kasarian. Ang kanilang kasanayan
ay karaniwang nasa antas na “Mahusay” at “Katamtaman,” bagaman may ilang nasa
antas na “Baguhan” na nangangailangan ng karagdagang suporta. Natukoy na ang
pangunahing hamon sa pagsasalin ay kakulangan sa bokabularyo, kahirapan sa pagunawa sa teksto, at paghahanap ng katumbas na salita. Ipinakita rin na mas pinipili
ng mga mag-aaral ang paggamit ng online translation tools at internet kumpara sa
tradisyunal na sanggunian. Sa aspeto ng estratehiya, ang pag-unawa sa konteksto at
patuloy na pagsasanay sa pagsasalin ang itinuturing na pinakamahalaga at
pinakamabisang paraan upang mapahusay ang kanilang kakayahan. Higit pa rito,
napatunayan na ang pagsasalin ay may malaking epekto sa pag-unawa sa kultura,
lalo na sa mga tradisyon, paniniwala, at pagpapahalaga ng mga bansang nagsasalita
ng Ingles. Sa kabuuan, ipinahihiwatig ng pag-aaral na ang integrasyon ng
teknolohiya, angkop na estratehiya, at sistematikong pagsasanay ay mahalaga sa
pagpapaunlad ng kasanayan sa pagsasalin at sa pagpapalalim ng kultural na
kamalayan ng mga mag-aaral.
References:
- Bautista, R. C. (2022). Pagtatasa sa mga Salik na Nakaaapekto sa Pag-aaral ng mga Mag-aaral sa Kolehiyo. Journal of Educational Research, 10(1), 1-15.
- Bolata. (2022). Ang kahalagahan ng pagsasalin sa pagdadala ng mga klasikong akdang Europeo sa konteksto ng Filipino.
- Creswell, J. W. (2020). Research design: Qualitative, quantitative, and mixed methods approach. Sage Publications.
- Darupan, J. M. D., Herminigildo, L. M., Maniego, S. C., Martinez, E. G. S., & Socorro, L. V. (2024). Kahalagahan Ng Paggamit Ng Wikang Filipino Sa Pag-Aaral Ng Mga Asignatura Sa Panitikan, Kultura at Kasaysayan Ng Pilipinas Sa Mag-Aaral Na Medyor Sa Filipino. Ascendens Asia Singapore – Bestlink College of the Philippines Journal of Multidisciplinary Research, 3(2).
- Dela Cruz, J. M. (2022). Ang epekto ng kurso sa kasanayan ng mga mag-aaral sa kolehiyo. Pambansang Kongreso sa Sikolohiya.
- Dela Cruz. (2022). Ang Epekto ng Pagsasalin sa Pag-unawa sa Kultura ng mga Mag-aaral sa Filipino. Journal ng Wikang Filipino, 10(1), 12-25.
- Fraenkel, J. R., & Wallen, N. E. (2022). How to design and evaluate research in education. McGraw-Hill Education.
- Francisco, C. (2023). Ang paggamit ng wikang Filipino sa pagtuturo ng mga asignatura.
- Francisco, C., & Carlota. (2024). Pagsasalin ng mga teknikal na termino mula sa Ingles tungo sa Filipino.
- Gutierrez, R. B. (2023). Pag-aaral sa mga Katangian ng mga Mag-aaral: Isang Pagsusuri sa Konteksto ng Edukasyon. Journal of Educational Studies, 15(2), 45-60.
- Lumacao, L., & Ijan, I. (2023). Ang papel ng machine translation sa pagsasalin at ang mga teknik na ginagamit nito upang mapanatili ang kalidad ng salin.
- McMillan, J. H. (2023). Educational research: Fundamentals for the consumer. Pearson.
- Ramos. (2022). Ang Impluwensya ng Wika sa Pag-aaral ng Kultura ng mga Mag-aaral sa Filipino. Journal ng Wikang Filipino, 10(1), 12-25.
- Santos, J. M. (2022). Ang Epekto ng Karanasan sa Pag-aaral sa Kasanayan ng mga Mag-aaral sa Kolehiyo. Philippine Journal of Education, 10(2), 12-20.
- Santos, J. M. (2022). Ang kahirapan sa pagsasalin ng mga akdang pampanitikan. Pambansang Kongreso sa Wika.
ISSN 3082-4400 (Online)
ISSN 3082-5733 (Print)