Pinoy Ako, Pero Hindi Filipino Major: Pag-aaral sa Karanasan ng Guro sa Pribadong Paaralan
Harold A. Magcalas
Discipline: Education
Abstract:
Ang pananaliksik na ito ay naglalayong masuri ang mga karanasan at kalagayan ng mga gurong nagtuturo ng
asignaturang Filipino na hindi ito ang kanilang espesyalisasyon. Tinutukoy nito ang mga hamon na kinahaharap
nila, ang mga estratehiyang ginagamit sa pagtuturo, at ang mga hakbang upang mapabuti ang kanilang kakayahan
sa pagtuturo ng Filipino. Gumamit ang mga mananaliksik ng deskriptibong-korelasyonal na disenyo at mixed
method na lapit, kung saan isinagawa ang pasulat na panayam at pamamahagi ng likert-scale na talatanungan.
Sampung guro mula sa isang pribadong paaralan ang lumahok, na pinili sa pamamagitan ng purposive sampling.
Karamihan sa kanila ay nagtapos ng BSED major in English at BEED, may edad 30–32, at may 5–10 taong
karanasan sa pagtuturo. Lumabas sa resulta na walang makabuluhang ugnayan sa pagitan ng demograpikong
profile ng mga guro at ng antas ng mga suliranin sa pagtuturo ng Filipino. Gayunpaman, nakita sa pag-aaral
na may potensyal silang mapabuti ang kalidad ng pagtuturo kung mabibigyan ng sapat na suporta. Kabilang sa
kanilang mga mungkahi ang regular na pagsasagawa ng seminar, workshop, at iba pang pagsasanay na kaugnay
ng asignatura. Ipinapakita ng pag-aaral na hindi hadlang ang pagiging out-of-field teacher sa epektibong pagtuturo
ng Filipino. Sa halip, kung mabibigyang tinig at pagkakataon ang mga guro, maaari nilang maipamalas ang
kanilang kakayahan at makapag-ambag nang higit sa pagpapabuti ng edukasyon sa Filipino.
References:
- Anez, R. (2022, May 8). Pananaw at danas ng mga gurong Filipino: Batayan sa pagbuo ng plan of action. SlideShare. https://www.slideshare.net/AJHSSRJournal/pananaw-at-danas-ng-mga-gurong-filipino-batayan-sa-pagbuo-ng-plan-of-action
- Barberos, M., Gazaro, A., & Padayogdog, E. (2019). The effect of the teacher’s teaching style on students’ motivation. [Unpublished manuscript or institutional repository; link appears broken].
- Bernardo, A. B. I., Wong-Fernandez, B., Macalaguing Jr, M. D., & Navarro, R. C. (2020). Filipino senior high school teachers’ continuing professional development attitudes: Exploring the roles of perceived demand amid a national education reform. Journal of Research, Policy & Practice of Teachers & Teacher Education, 10(2), 63–76. https://doi.org/10.37134/jrpptte.vol10.2.5.2020
- Burroughs, N., Gardner, J., Lee, Y., Guo, S., Touitou, I., Jansen, K., & Schmidt, W. (2019). Teaching for excellence and equity: Analyzing teacher characteristics, behaviors and student outcomes with TIMSS. Springer. https://link.springer.com/book/10.1007/978-3-030-16151-4
- Coronel, J. A. (2019). Mga suliraning nararanasan at akmang pagsasanay para sa mga gurong hindi nagpakadalubhasa sa asignaturang Filipino. [Unpublished paper or institutional material].
- Fischler, A. S. (2017). Mixed methods. NOVA Southeastern University. https://education.nova.edu/Resources/uploads/app/35/files/arc_doc/mixed_methods.pdf
- Lacanlale, C. R. (2013). Ningas ng sulo ng mga natatanging gurong di-medyor sa Filipino sa maalong dagat ng pagtuturo. https://rpo.ua.edu.ph/wp-content/uploads/2020/06/5.-Celia-R.-Lacanlale-137-198.pdf
- Lima, J. A., Dagdag, A. A., Fernandez, M. A., & Mendoza, R. (2023). Kahalagahan ng paggamit ng diksyunaryo sa pagkatuto ng wikang Filipino. [Institutional publication; please supply journal or publisher if available].
- Lopez, R. (2021, December 21). Pagtuturo ng asignaturang Filipino ngayong online class. ResearchGate. https://www.researchgate.net/publication/356853584_Pagtuturo_ng_Asignaturang_Filipino_Ngayong_Online_Class
- Lopez Jr., H. B., & Roble, D. B. (2022, November 3). [Unclear entry: appears merged with Sambe reference—please clarify author or source]
- O’Meara, N., & Faulkner, F. (2021). Professional development for out-of-field post-primary teachers of mathematics: An analysis of the impact of mathematics-specific pedagogy training. Irish Educational Studies, 1–20. https://doi.org/10.1080/03323315.2021.1899026
- Pacana, R. M., Magsayo, E. M., & Orsos, R. J. (2019). Challenges of out-of-field teaching: A basis for a strategic action plan. International Journal of Scientific and Research Publications, 9(7), 681–686. https://doi.org/10.29322/IJSRP.9.07.2019.p9159
- Panganiban, J. V. (n.d.). Mga suliranin ng mga guro sa pagtuturo ng Filipino. [Unpublished manuscript or institutional study].
- Sambe, M. (2015). Out-of-field teaching: The African perspective. TAP Magazine. http://www.tapmagonline.com/out-of-field-teaching-by-mariam-sambe/
- Schoonenboom, J., & Johnson, R. B. (2017). How to construct a mixed methods research design. KZfSS Kölner Zeitschrift für Soziologie und Sozialpsychologie, 69, 107–131. https://doi.org/10.1007/s11577-017-0454-1.
- Talili, N. R., Montalbo, D. B., & Gaban, M. R. (2021). Experiences of teachers in teaching non-major subject: Basis for intervention program. International Journal of Multidisciplinary: Applied Business and Education Research, 2(6), 463–470. https://doi.org/10.11594/ijmaber.02.06.03
ISSN 3082-5822 (Online)
ISSN 3082-5814 (Print)