HomeMALAYvol. 13 no. 1 (1996)

Ang Filipino Sa Inhinyeriya

Carlito M. Salazar

Discipline: Education, Instructional Language

 

Abstract:

Ang wika ay salamin ng kultura. Sa sariling wika lamang lubos na maipapahayag ng isang tao ang kanyang sarili, at sa wikang ito lamang siya lubos na mauunawaan ng iba. Kahit pa sabihing tayong mga Filipino ang pangatlong bansa sa buong mundo na may pinakamaraming mamamayan na nakakaintindi at nakapagsasalita sa Ingles, mahirap pa ring mag-isip at magsalita sa wikang hindi naman natin kinagisnan at hindi ginagamit sa pang-araw-araw na pakikisalamuha sa ating kapwa Filipino.